WIPCAPS proudly presents 'P90' a skate tour video by Notion (TAGALOG INTERVIEW)

WIPCAPS proudly presents 'P90' a skate tour video by Notion (TAGALOG INTERVIEW)


Kamusta Jorge? Saan kayo ngyon?
 
Jorge : Okay lang naman, maayos ang kalagayan. Andito kami ngayon sa Nueva Ecija nag rerelax para sa mga darating na project sa skate.


Jorge. Noseblunt

Congrats sa event at video premiere niyo, marami dumating at naglaro. Salamat po at mabuti naman namin nahandle yung event di namin inexpect na sobrang dami na pupunta sa first event namin.

Ano yung reaksyon ng mga pumunta?
Feel naman namin na nagenjoy yung mga pumunta at ang saya makita na may dumalo sa event na ginawa namin.


Ano masasabi mo tungkol sa future ng skateboarding sa Manila?
Sana gumanda yung scene sa lahat ng skateboarder at magkaroon ng maraming skatepark para sa new generation.

Bago natin pagusapan yung bagong video ninyo gusto ko lang kamustahin yung Team Silid. Kamusta kayo?
Ayos naman lahat may kanya kanyang inaasikaso sa buhay


Para sa mga naghindi nakakaalam na nawala yung mga footage para sa ‘homies’ video niyo, ano nagyari? 
Nasira yung cellphone na ginagamit namin pang film kaya di na namin naupload yung 'homies' video.

Oof!

Ano yung Notion? 
Family.

Saan niyo nakikita sarili niyo in the next 10 years? 
Sana maging big brand ang Notion. Sa sarili namin siguro, magkakasama padin kami, ito yung gusto namin lahat eh. Walang iwanan hanggang dulo.

Kevin. First try frontside bluntslide

Natapos din yung video, ito yung unang tour video niyo as Notion. Ano yung pagkaiba nito sa iba niyong project?
Itong video na ginawa namin ginawa lang namin itong kasiyahan para may mapanuod kami pag tumanda kami.

Paano nabuo yung video, ikwento niyo naman yung process.
Gusto talaga namin ni jerry gumawa ng skate video part para may mapanuod kami pag tumanda kami, at gusto din namin ipakita yung talento na meron kami. Nagsimula lang kami sa isang pangarap hanggang sa makabuo kami ng team video. Kinilusan namin yung video kahit wala kaming budget na ganito ganyan, ginawa lang talaga namin tong video kasi masaya kami sa ginagawa namin.



Jerry. Switch hillbomb

Saan kayo nag skate at paano kayo pumili ng mga spot? 
Hindi kami pumipili ng spot, kung san nalang kami dalhin ng skateboard namin dun na kami nagsskate.

Nakapag connect ba kayo sa mga skaters sa ibang mga lungsod? Ikwento mo naman mga nangyari.
Oo, kaya nagpapasalamat kami sa mga nasstayan namin na tropa sa iba't ibang lugar.

Bawat punta namin sa ibang lugar palagi lang kami hitch o yung nakikisabay kung kanino kanino, natutulog kami sa tabi ng gasolinahan sa tabi ng puno o kung saan na kami dalawin ng antok namin. Pero masaya makisabay sa mga truck. Ang saya makita mo na magkakasama kami sa iisang hilig namin.

Sobrang hirap nung palagi kami walang budget pag nag sstreet kami kung san san, lalo na kung napapadpad kami sa mga iba't ibang lugar.

Mahirap pa pag naulan tas nakasakay kami sa truck no choice talaga kami, lagi naliligo kami sa ulan, di naman kami makababa ng truck kasi mabilis takbo, pero yung iba pinapapasok kami sa loob ng truck.




Worst moment
Pinaka worst talaga yung walang wala na lahat pero we push the dream.

Worst din yung nabail si Ogie sa rail di namin inaasahan na may ganon na mangyayare samin. Di kami sanay sa ganon na bail, as in knock out si Ogie. Taranta kami lahat kasi duguan si Ogie sa ulo pati, mukha niya wasak.



Best moment
Halos lahat talaga best moments para samin lahat ng ginawa namin masaya at hindi makakalimutan.


Bakit 'P90' yung pangalan ng video?
Kaya P90 yung title ng video namin kasi yung ginamit namin na lense pang film ay tig 90pesos lang. Nalaman kolang din yung idea nayan kay kuya Numz.

Ano yung next project niyo?
Kanya kanya na kaming part next project and sana may maayos na kaming camera na gagamitin sa next project gagalingan pa namin. Maraming salamat sa mga nag susupport samin.

 

TELL YOUR FRIENDS ABOUT "P90"
FOLLOW NOTION ON FACEBOOK
FOLLOW NOTION ON INSTAGRAM

Check the Silid Tambakan article from 2021 if you haven't caught up
SUPPORT YOUR LOCAL SKATE SHOP

Back to blog

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.